Sunday, March 23, 2014

Angel and Deeman

Nangyari na naman ang pinaka ayokong parte ng buhay ng isang tao.-Ang mamatayan.
Ok lang sakin at mas katanggap-tanggap pa ang pakiramdam na mabasted at ilang ulit na sabihan ng “let’s be friends” ng babaeng kinababaliwan ko, murahin ng magulang o ng tatay ko dahil sa paulit-ulit na pagkakamali ko, bumagsak sa quiz kahit na nag-aral ako ng mabuti o mas matindi pa, bumagsak ng isang taon dahil sa hindi pagsunod ng instruction, madapa sa harap ng maraming tao, pagtawanan, laitin, mga ganung klaseng bagay. Ok lang para sakin. Wag lang ang mamatayan. Wala akong kontrol sa ganung bagay, at lahat ng normal na tao, naniniwala ako, ayaw ng ideyang wala silang kontrol.

Sa tingin ko kahit kelan, di ako masasanay sa lungkot na mamatayan. Bawat isang mawala sa buhay mo, may kakaibang kirot. Kasing kakaiba, kasing unique ng buhay nila sa iyo.

Napakatamlay, hinang-hina, di kumakain at umiinom, constipated, nagsusuka ka na at alam ko ng mamamatay ka deeman, pero wala akong ginawa. Alam ko na, wala namang ginawa. Walang kwenta.

Alam kong walang kwentang balikan ang nakaraan at magself- pity dahil di ko naman kayang ibalik yung tapos nang mangyari. Pero sa tingin ko, makakatulong din naman na “pag-aralan” o maging kritikal ako sa bagay na ‘to. Para maiwasang mangyari ulit. Normal ngang mamatayan ng alagang aso pero di ibig sabihin na ok lang yun at basta na lang babale-walain na lang.

Bakit ka nga ba namatay?
Sinong may kasalanan? Ikaw ba? Kasalanan mo ba kung halimbawang isang linggo kitang hindi pinakain ng dogfood? Kasalanan mo bang kainin yung maruming basura na para sayo ay masarap na kahit ganun kabaho eh,... ewan ko ba sa inyong mga aso kung anung marumi yun pa gusto. Wala ka kasing alam eh. Ilang beses na kong naghealth teaching pero di mo maintindihan ang human language namin. O naintindihan mo at sarap na sarap ka lang talaga sa basura? Iww. anu ba lasa nun? Pinapakain ka naman ng maayos. Di talaga mabuti ang labis na pagnanasa ng pagkain (o basura sa kaso mo). Natuto ka ba? Malamang hindi. Di mo nga ata alam na patay ka na eh. May natutunan ka ba sa loob ng 261 days mo dito sa planet earth? Ako may natutunan sayo at salamat.

Ako, na tao ang responsable sayo bilang amo mo, pagpumalpak ako, ikaw ang kawawa. Parang hawak ko ang buhay mo. Parang ako ang Diyos mo. Parang lang. Diyos pa rin naman ang may hawak ng buhay ng lahat ng nilalang. Pero, ipinagkatiwala ka sa akin at namatay ka. Sino ulit ang sisisihin? Ang Diyos dahil pinagkatiwalaan niya ako? Syempre hindi. Mukhang malinaw na na ako ang salarin. Mukhang ang dahilan ng pagkamatay mo eh may malalim na pinag-ugatan. Nagi-guilty na ako. Mukhang ang dahilan ng pagkamatay mo eh may malalim na pinag-ugatan. Nagi-guilty na ako.
(Masyado na akong nagiging kritikal. Baka hanggang dito na lang ang basahin mo dahil di nakakatuwa ang mga pinagsasabi ko. baka lang ah. di kita hinuhusgahan.)

Nag-iwan ka pa ng problema, (o ako ang gumawa ng problema?)
anlaki mong shih tzu (crossbreed kasi ng shih tzu at japanese spitz) di ko lam kung saan ka dapat ilibing. Walang lupa dito sa dapitan na pwede mong paglibingan. Ibinalot ka na lang namin sa plastic bag ng basura. Nagmukha kang letson na nakabalot sa plastic. Nakakatawa pero di ako natawa. Nagrigor mortis ka na. Alam mo yun? Yun yung tawag kapag nanigas na yung patay. Ganun yung nangyari sayo. Ok? Idagdag mo yun sa bokabularyong mga itinuro ko sayo.

Decision-making.
"Itapon na lang yan sa ilog." Sabi ng gwardiya sa baba. Yung kaharutan mo minsan. Siya yun.
'Langya! Seryoso ba siya? Nagpapatawa ba siya? Papayag ka ba nun na itapon ka sa ilog? Malamang di mo alam kung anu ang tama at mali kasi aso ka at wala kayong konsepto nun. Amoral kayo. Kaming tao, kumplikado ang buhay namin. Hayop ka kasi kaya excused ka. Pero siya tao siya, na nag-iisip (Sana lang). Tama bang itapon ka na lang sa ilog ng basta basta lang at mabulok, uurin, maging kalansay? Bad trip. Nanahimik na lang sana siya para napagtakpan niya ang katangahan niya. Nadagdag na naman siya sa listahan ng soooobrang daming tao na tagumpay na naipakita ang kanilang angking talino sa pag-ere ng kanilang palpak na ideya. At dahil di niya alam na palpak siya, proud pa siyang sabihing "Itapon sa ilog." Wow naman pare. Alaga namin yun. Inalagaan ko yun. At di siya dapat itinatapon. Kaya sa mga nagbabasa nito, learn from me. Minsan makakatulong talagang manahimik na lang. Learn to hold your tongue. Kapag di ka sigurado sa ideya mo, wag mo na ipagmalaki pa. Baka mai-blog pa kita.

"Ilagay na lang sa plastic, tapos itapon na lang natin sa truck ng basura mamaya pagdating." Isa pang badtrip na suggestion. Pero mas mukhang yun ang gagawin namin, at yun nga ang ginawa namin. Mabigat sa kalooban ko talagang itapon siya. Itapon. Wahhh.. Mabigat na desisyon talaga yun. Gusto ka sana naming ilibing sa North Cemetery pero kaming mga tao lang daw pwede dun. Saan pa ba pwede? Hmmm.. No choice. sa basurahan na lang talaga. Sa bagay, wag ka na rin mag-inarte. Mas mabaho ka pa kaya sa basura. Alam mo ba kung anu yung amoy mo nun? Nung inurong ko katawan mo, duguan ka. Mas masangsang pa sa bulok na isda. Sobra. basta. Di ako magaling magdescribe pero kung nursing student ka, i-reminisce mo na lang yung mabahong amoy na naamoy mo at yun na yun. ok?

Ayun na nga. Dumating na ang truck ng basura. Ikinwento lang sakin ni ate hyd at ikinukwento ko lang sayo para alam mo kung anu nangyari sa katawan mo. Kunwari buhay ka pa. Kunwari meh kaluluwa ka rin tulad naming mga tao. Ayun.
"Ilang araw ng patay to?"-sabi ng gutom na basurero. gutom kasi..
"Isang araw pa lang"- sabi ni ate hyd na busog naman. kasi.. mukha ng busog ang tiyan niya. hihi
"Pwede pa to." Syempre ang sumagot ay yung basurero.
"Pwede pang ano?" alam mo na kung sino sumagot.
"Dalawa lang naman ang pwedeng puntahan niyan eh. Sa basurahan o kakainin."-yan ang sabi ng gutom ng basurero. Kaya nga nasabi kong gutom siya. O talagang nang-aasar lang siya? Kung iisipin mo nga naman, sobrang naghihirap sila. basurero eh. Di rin naman nila sigurong gugustuhin na kumain ng mga ganung pagkain kung may kaya sila gaya mo na nagfefacebook ngayon. Di nga ata nila alam itong facebook eh.

Kung anuman yung dahilan niya kung bakit gusto niyang kainin, at least honest siya. At nagpaalam pang kakainin niya ang aso namin. Ok eh noh? parang sinabi niyang "Kakainin namin yan mamaya. Wala ka ng magagawa."
Buti na lang, sooobrang baho mo na deeman. Di na nila kinaya. Bwahahahaha!!! Apir! Kahit basurero eh umurong din sayo.
"Ay may amoy na. Di na pwede." Take note sa ginamit na salita: "may amoy na" parang balewala lang.
Sana lang talaga di ka nila kinain. Sana.

Ayun. Di ko na alam kung anung ikukwento. Speaking of kain, kinain mo ang oras ko nung Monday. Monday ng umaga ka namatay. Mas masaya sana ang araw na yun kung di ka namatay. Birthday ni Dotskie nun at Sports Connection ng YLSC nun. Call time 8 am. 7am ako nagising at ang bungad na bati sakin ni ate hyd:
"G, wala na si deeman."

Blanko lang isip ko. Napaisip. Maya-maya naiyak na. Sandali ka lang nabuhay, pero wala naman sa tagal ng pinagsamahan yun. Champion na naman si immortal angel. Alive since December 10, 2000. Magte-10 years na siya. Payat nga siya pero malakas naman. Konti kumain pero matibay. Di tulad mo. Lakas lakas kumain deadz naman agad. wooh. panis ka hehe
(Dalawa aso namin. Si Angel at si Deeman, ako si Dan Brown. hehe)

Nakakalungkot. Akala ko pa naman sabay natin ise-celebrate birthday nating dalawa sa December 13. Naiimagine ko pa naman sarili natin na nagjajamming sa pizza party. Habang may suot na Happy Birthday na cap na pambata. Cute. Di bale, ikakain na lang kita ng pizza at magtitirik ako ng kandila sa birthday natin. Sayang. Di na kita makikita ulit. Kamukha mo sigurado meron, pero iba ka pa rin.

I've just learned another paradox in life. I won't ever get used to this. More of my loved ones will be taken away. I'd be prepared. I'll spend more time with them. I hate to mourn but it's part of life. We are all aware that we are going to die. We just don't know when. That thought makes me cling on to what is good, to do what I believe is right. To take life's decisions seriously yet enjoying every detail of it. Laugh a lot. Don't hold grudges against anyone. Love. Don't give it up. You give up loving, you give up life. And that's even worse than dying. This life is intended by God to be lived with love. Life. Love. Lord. You have no God in your life, you have no love but false love. Cling unto what is true.

So be grateful man. Life is short. Live well. Know your purpose. Your life, if unexamined, is not worth-living.

O God, remind me that my days are fleeting away. I've been living for about 21 years but my memories are all shadows. They're no different from my dreams. You created me, therefore you alone know why you created me. Pour out your thoughts on me. I praise you for coming into me and giving me an abundant life. The Lord gave and the Lord take away. Let the name of the Lord be praised. :)

No comments:

Post a Comment