Thursday, March 27, 2014

Salita

Ikaw ang iyong salita. Kung di mo kayang tuparin ang salita mo, paano ka mapagkakatiwalaan? Paano mo rin mapagkakatiwalan ang sarili mo?

Ang Dios ay ang Kanyang Salita. Kung ano ang ugali mo sa pagtrato sa kanyang Salita o Biblia, yun din ang siguradong trato mo sa Kanya. Kung ayaw mo nun, pwede kang gumawa ng sarili mong Dios sa sarili mong ideya. May problema nga lang, gawa-gawa lang ang Diyos na yun at niloloko mo lang ang sarili mo.

Ginawa tayo ng Diyos at hindi kabaliktaran- hindi tayo ang gumagawa ng Dios sa sarili nating kagustuhan o ideya. Hindi natin kayang baguhin ang katotohanan pero kaya nating baguhin ang ating sarili- at iyon ay higit na mabuti.

No comments:

Post a Comment